Letter for Black Lives in Tagalog

Mahal Kong Nanay, Tatay, Tita, Tito: Mahalaga Rin sa Amin ang Buhay ng Mga Itim.

Dear Mom, Dad, Aunt, Uncle: Black Lives Matter to Us too.

Siguro ay hindi po kayo lumaki kasama ang mga Itim, pero nakasama ko po silang lumaki. Ngayon, natatakot po ako para sa kanila.

You may not have grown up around people who are Black, but I have. Today, I am scared for them.

Noong 2019, mahigit na 1,099 tao ang pinatay ng pulis dito sa Amerika. Dalawampu’t-apat porsyento (24%) sa kanila ay Itim, kahit na ang mga Itim ay bumubuo lamang ng 13% pangkalahatang populasyon dita sa Amerika.

In 2019, the American police killed more than 1,099 people. Of those people, 24% were Black even though Black people make up only 13% of the population.

Sa kadalasan, hindi napaparusahan ang mga pulis para sa pagpatay nila sa mga taong ito. Ito po ang nakakatakot na katotohanan na hinaharap ng mga matatalik kong kaibigan araw araw.

Overwhelmingly, the police do not face any consequences for ending these lives. This is a terrifying reality that some of my closest friends live with everyday.

Kahit na naririnig natin ang tungkol sa mga panganib na hinaharap ng mga Itim, ang reaksyon po natin minsan ay ang bigyang-diin ang mga pagkakaiba natin sa kanila, ang paglayo ng ating sarili, sa halip no makiramay sa kanila.

Even as we hear about the dangers Black Americans face, our instinct is sometimes to point all the ways we are different from them. To shield ourselves from their reality instead of empathizing.

Maaaring iniisip po ninyo na kung tayong mga imigrante, na walang-wala kapag dumarating sa Amerika, ay nakakapagtiyaga at nakakapagpabuti ng ating mga buhay sa kabila ng diskriminasyon, bakit hindi sila? Gusto ko po sanang ibahagi sa inyo ang nakikita’t nararamdaman ko.

After all, you might say, “we managed to come to America with nothing and build good lives for ourselves despite discrimination, so why can’t they?”. I want to share with you how I see things.

Totoong nakakaranas po tayo ng diskriminasyon sa bansang ito dahil sa pagiging Asyano natin. Pero sa kadalasan, hindi tayo intinuturing na mapapanganib na mga kriminal. Kapag naglalakad po tayo sa kalsada, hindi takot sa atin ang mga taong nakakasalubong natin, at hindi binabaril ng mga pulis ang mga anak o magulang natin dahil lang sa ating lahi.

It’s true that we face discrimination for being Asian in this country. But for the most part, nobody thinks “dangerous criminal” when we are walking down the street. The police do not gun down our children and parents for simply existing.

Pero hindi ito masasabi ng mga kaibigan kang Itim. Marami sa mga ninuno nila ang dinala sa Amerika para gawing alipin nang labag sa kanilang kalooban. Sa laob ng ilang daantaon, sila, pati na ang kanilang mga pamayanan, pamilya, at mismong katawan ay ginamit at inabuso para lang yumaman ang iba. Kahit na tapos na ang panahan ng pang-aalipin, walang institusyong tumulong sa kanila para itaguyod at panimulan ang kanilang bagong buhay. Matagal pang pinagbawal sa kanila bumoto at ang magmay-ari ng lupa. Hanggang ngayon, patulay pa rin silang nakakaranas ng karahasan.

This is not the case for our Black friends. Many Black people were brought to America as slaves against their will. For centuries, their communities, families, and bodies were ripped apart for profit. Even after slavery, they had to build back their lives by themselves, with no institutional support - not allowed to vote or own homes, and constantly under threat of violence that continues to this day.

Ang pakikipaglaban ng mga Itim para sa kanilang karapatan ay nagbigay-daan sa mga pagkakataon sa pag-unlad, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa atin na rin. Sila’y nabugbog, nakulong at napatay pa habang pinagtatanggol ang mga karapatang tinatamasa na rin nating mga Asyanong Amerikana ngayon. Malaki ang utang na laob natin sa kanila. Kasama nila tayo sa paglaban sa isang sistemang’di makatarungan at naglalayon na paglabanin tayo sa isa’t isa.

In fighting for their own rights, Black activists have led the movement for opportunities not just for themselves but for us as well. Black people have been beaten, jailed, even killed fighting for many of the rights that Asian Americans enjoy today. We owe them so much in return. We are all fighting against the same unfair system that prefers we compete against one another.

Sinusuportahan ko po ang Black Lives Matter. Sana po makiramay kaya sa pagdurusa ng mga tatay, nanay, at anak na namatayan ng mga minamahal dahil sa karahasan ng mga pulis. Hindi po tayo magiging ligtas hangga’t LAHAT ng ating mga kaibigan, minamahal at kapwa-tao ay ligtas din. Ang pangarap ng amerikano na nais nating lahat ay isang America kung saan ang lahat ng mga Amerikano ay maaaring mabuhay nang walang takot sa karahasan ng pulisya. Ito po ang gusto kong hinaharap- at sana ito rin po ang gusto ninyo.

I support the Black Lives Matter movement. I’m asking that you try to empathize with the anger and grief of the fathers, mothers, and children who have lost their loved ones to police violence. We cannot feel safe until ALL our friends, loved ones, and neighbors are safe. The American dream we all want is an America where all Americans can live without fear of police violence. This is the future that I want- and one that I hope you want too.

Credit to LettersforBlacklives.com for the translation

https://lettersforblacklives.com/

Previous
Previous

Black Zines and Publications to Support

Next
Next

“EVERYTHING” by Shee